LABELS

Martes, Hulyo 23, 2013

Love Pt.2

At eto na nga...



Mula noong lumalim at nagka confirman na nga na kami, madami nang nabago. Sa simula ng Real relationship, I mean real kasi nga confirm na, may mga bagay na na hinihingi, may mga demands na ang bawat isa. Kasabay na kasabay ang pagbabago niya towards me. Like, nasanay ako na kami ang lagi magkausap whenever andun ako sa tambayan namin, kaswal lang, kwentuhang parang tropa lang. Kasi I myself naman ayoko din naman ng magjowang peg na halos magtukaan, gusto ko kaswal lang. Madaming aalma, pero tago pa din. Meron talagang hindi pwedeng malaman. Meron talagang bawal. Meron talagang hiya. Wala tayo magagawa. Eh ganun eh.



Pero sabi nga ni Pink, "and I'm your willing victim"



Nabaliw ako. First time I was asked of something, na rattle ako. What if hindi ko maibigay? Hindi na ba kami? Eh mahal ko siya di ba? (Mahal na agad?) Magagalit ba siya? Di na ba niya ako papansinin? Ilang beses kami gumimik with some friends, wala siyang ibang binanggit kundi ang favor na hinihingi niya. Napapanaginipan ko pa nga eh diba nga? Dilemma!!!



Go lang! Avail lang! Achieve lang!



That night, nakita ko happy siya. Pero that night, na disappoint na ako agad. Bakit? Simple lang... Di nya ako nilapitan.!!! Kaloka! Usually kapag oras ng tambay, kami ang magkasama. Hindi ko alam kung anyare???



Nagka malisya? No!

Lumaki na ulo? Ewan ko?

Na overwhelm? Baka?



First time nagtext ako sa kanya ng masasakit na salita. Sumobra din ako, siguro nga naghanap din ako ng kapalit. Pero hindi din.



Days passed, I was still hoping for a good relationship with him. Pero lalong naging worse. Nabawasan ang time. Nawawala na siya. Ako naman itong hanap ng hanap. Nadiyan lang siya, pero bakit parang wala?



Naging malimit ang aura ko with my friends. Sabi niya, nahihiya siya kaya hindi siya lumalapit.

Hmmmp! Tse! Kilala din naman siya nung mga un eh! Pwede namang kumalma ka lang. Bakit biglang nagbago. Tumatanggi ka na? Sa inuman, ayaw mo na ng ganito ng ganoon!



To be continued...

Sent from my BlackBerry® wireless handheld




Linggo, Hulyo 14, 2013

Love

Hay nga naman. Sabi nga ni Rihanna "WE FOUND LOVE IN A HOPELESS PLACE"... True dat! When my TV career was beggining to cool down, so wala masyadong ganap, tambay tambay lang ako with friends. Saka naman may biglang dadating... Alam nyo na...

When I first saw him, parang na weirdan ako sa kanya. Coz sya ung epitome (epitome daw oh!) ng AWKWARD STAGE, ung bata na matanda na. So nakakatawa siya noon. Bata pa as in 17 years old? Or 16. Not sure... Basta bagets na bagets pa siya. Hindi ko naman peg ang bagets...

Nagsimula sa tawanan, kwentuhan, okrayan at inuman... That time, he was like a brother to me. Ok lang na anjan siya, ok lang na wala siya. Hindi naman buddy buddy type, pero naging close kami. Hindi close na nagsasabihan ng problema pero alam ko close kami. We enjoy each others company. Pero minsan hindi siya nag eexist sa akin. Hinahanap ko siya, hinahanap niya ako. Pero walang ibig sabihin iyon. Ganon! Nageenjoy ako kainuman siya kasi todo alaga siya sa akin. I mean lahat ng kailangan ko pwede ko siyang utusan at sumusunod naman siya bilang Ate niya ako. Service de luxe. Nakakatuwa siya. Kasi nailabas niya ung child inside of me. Naging updated ako sa mga kung ano ang uso at sikat sa mga ka age niya. Maganda para sa akin. Madami akong nalalaman kung ano na ba ang kabataan ngayon.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa baliw kong utak, bigla ko siyang tinanong "tayo na ba?". Hinahatid niya ako lagi pauwi. So feeling ko babae ako. Ang ganda ko eh! Samahan pa natin ng mga tukso at udyok ng kumare kong lukring. Sumakay naman si Bagets, "oo" daw. Hahahahah! Hindi ko alam kung seryoso siya. Nalaman ko na lang na hindi kasi nagka jowa siya. Pero keri ko lang naman. Til now naniniwala akong sila ang bagay para sa isa't isa. Kumbaga, fan ako ng love team nila. Pero deep inside tinatanong ko ang sarili ko? Akala ko ba jowa din nya ako? Assuming lang? Ahahahahha! I even used to asar him and call him a "two timer". Pero wala naman sa akin yun. Hindi ako seryoso that time. He was 18 then. Wala lang. Tropa lang. Busy ako sa mga raket, busy ako sa mga tropa kong beki. Malayo siya sa akin.


Biglang pinauwi siya sa probinsiya. Nalungkot ako pero hindi naman malungkot na malungkot. Ung sakto lang. Kasi nga diba? Ok lang na nanjan siya, ok lang na wala siya. Hindi pa ganon kalalim ang eksena. Ok lang... Sakto... Kalma... FB na lang. Minsan tumatawag siya. Na touch ako, kasi bilang pwede mo naman akong wag na tawagan di ba? Kasi di naman tayo close na close na close... Na touch ako. Minsan nakaka chat ko siya. Pero still, wala pa din sa akin...

Ako naman I have to go to Dubai para mag work din. Kaya lalong nawala. Kebs ko kung di na siya babalik ng Biñan? Ganon! Before ako umalis, siyang dating naman niya. Salisi...

Hanggang sa nakabalik na ako, at siyempre wala lang siya sa akin. Nagka eksena lang nung pangalawang uwi ko from Dubai. Naging gabi gabi kami magkasama at may selosan nang nagaganap. Ako ung selosa... Nagka girlfriend siya, selos ako ng wala namang dahilan. Basta selos na selos ako. Siguro kasi ung oras niya na dati gabi gabi ako kasama niya, ngayon may dyowa na siya. Minsan nilalampasan na lang niya ako. Masakit, di ko alam kung bakit. Pero strong strongan ako. Kunwari kiber lang sa akin.

Pero mas lalong naging seryoso. Tinanong ko na ulit ung matagal ko nang tinanong sa kanya. Same pa din ang answer niya. Gora! Medyo seryoso na ako. Kasi alam ko na masaya pala ako kapag kasama ko siya at apektado ako kapag hindi niya ako pinapansin. Hindi pala masaya kapag hindi ko siya kasama.

May 2013 naging totoohanan na. Kasi nag confirm na kami sa isa't isa. (confirmed na daw oh!) First date namin may kasama kami na magka partner din. Masaya pala talaga ako kapag kasama ko siya. Secret secret ang peg. Siyempre hindi naman ganun kadali. May mga pinag daanan din akong hirap at of course siya din. Pero enjoy ako sa kanya.

Minsan nahihirapan ako, pero kiber... Alam ko ang pinasok ko. Hindi siya perfect at hindi din ako perfect. May mga issues kami na minsan muntik nang hindi na kami magka balikan. Pero siguro binigay siya sa akin para may matutunan. Ang dami kong sinakripisyo eh. Isa na dunn ay ang sarili ko. Minsan parang hindi na ako ito. Picture ko na lang ito. Ganon! Kasi nagiging mapagkumbaba ako. Good thing naman un. Nagiging matiisin ako, mapag hintay, mapag tiyaga at mas loving. Hindi naman ako ganoon masyado dati eh.

Siguro nga na challenge ako... (To be continued)

Sent from my BlackBerry® wireless handheld

Miyerkules, Hulyo 3, 2013