LABELS

Lunes, Mayo 17, 2010

Suddenly Monday

Sunday, nagpunta ako ng greenhills, kasama ko ang friend ko, nag merienda kami sa Krispy kreme, nakakaloka, first time ko mabigyan ng libreng Doughnuts, pagkatapos naming kumain, oorder sana ako ng pasalubong para sa bahay. Biglang lumapit sa akin ang isang staff at inabutan ako ng isang box ng doughnuts," Sir Led, thanks for visiting Krispy Kreme, here our small gift for you!" Naloka ako! Salamat po!
Dapat sana magsi swimming kami ng mga friends ko, kaya lang hindi natuloy kaya naginuman na lang kami sa Paseo De Sta Rosa. Tama, uminom ng bonggang bongga kait ang iba sa amin ay ngarag na ngarag pa sa byahe.

Monday, nagpunta ako ng Mandaluyong para mag encash ng cheque na pinagtrabahuhan ko last week. Naloka naman ako, dahil sa bangko na ito talaga ako lagi nagkaka problema, dami requirements, dami che che bureche. Kailangan ko daw ng ID picture. ok!

Napadpad ako sa isang Internet Shop na may rush ID/Passport din, kaya hangos ako, nagmadali ako, wala nang naganap na retouch. "Kuya, pa pic ako, 2x2, rush!"

Ang tagal ni Kuya na Photographer as in, nakakaloka, hindi ako pwedeng magreklamo at magtatalak dahil hindi naman ako masamang tao. Hanggang may isang mama na nagpa photocopy ang nagtanong sa akin "di ba ikaw iyong singer?". Para hindi na humaba pa, hindi pa man natatapos ang tanong nya, sumagot na ako ng "OPO!". Nagtanong naman ang Photographer "Singer ng ano?". Hindi ko na sinagot ang tanong niya dahil alam ko namang alam niya kung saan, nang eechos lang siya. Kaya deadma ako, ang gusto ko lang ay tapusin na niya ang picture ko.
Ina-ADOBE Photoshop pa nya ang picture ko. I was so embarrassed sa picture na nakita ko, ang dumi ng mukha ko, sunburned skin, pimple scars at maiitim na leeg. Ito ang kapalit ng ilang buwan, ilang box, ilang injections, ilang lotions, pills, at sabon ng Gluta na ginamit ko dahil lang sa isang araw na importante sa bawat Pilipino, ang Election Day. Nasunog ako ng husto, nagka sunburn marks ang braso ko, nasunog ang mukha ko, grabe, hindi kutis artista.Ito ang kapalit ng ilang oras kong pagpila pra lang makaboto. Nakakahiya.
At mas lalong nakakahiya, kasi lahat ng pumapasok sa shop na iyon, picture ko ang nakikita na ineedit ni Kuya Photographer. Walang privacy, hindi nkatago sa ibang customer ang ginagawa niya. kitang kita, naka zoom pa ang picture ko, kaya nagpipiyesta ang Echuserang Ale at Pahinadorang Bakla, na hindi tumitinag sa pagtitig sa akin at sa picture ko. hindi ako makatalak, dahil hindi tama iyon, pero alam ko na hindi din tama ang ginagawa nila. pero wala akong magagawa, dahil doon ako nagpunta.
"Kuya , tama na yan, paki print na yan at nagmmadali ako!" Mga dalawang beses ko inulit iyon bago siya tumayo sa kinauupuan niya at ibigay sa akin ang pictures ko.

Pagbalik ko a bangko, maami pang tanong ulit, mas madami pa sa mga form na sinagutan ko.
Dami nilang tanong. Ayokong sagutin ang iba. Pero sumagot na din ako para siguro aliwin ang sarili ko sa kabagutan. Ending, yehey, may account na ako sa bangkong ito.
Ang dami ko nang bank account, hindi naman ako yumayaman...hahaha! Konting ipon pa, at yayaman din ako!

After sa Mandaluyong, nakipagkita ako sa friends ko, kain, massage. Enjoy!
Pagbalik ko ng Laguna. Diretso ako sa meeting para sa raket. Naisip ko, mabait talaga sa akin ang DIYOS, kasi walang tigil ang blessings na dumadating sa akin. kaya dapat talaga na magpakabait na ako.

Sabado, Mayo 15, 2010

THE VICE GANDA CONCERT

with Ms. Jaya






with Kuya Kim Atienza








with Jhong Hilario










Vice Ganda and Ms. Pops Fernandez








at the After Party






one of Kuya Kim's Exotic Pets






Vice Ganda and Jon Avila




Me singing with my mate Michael Cruz








Vice Ganda and Jhong Hilario










John Lloyd Cruz made a very special participation






The PlayGirls performed as the front act






Mr.Joed Serrano, one of the producers of the show




1pm pa lang dapat nasa Araneta Coliseum na kami para mag dry run. Dumating ako mga 2pm na, grabe kasi ang trapik sa bandang paglampas ng Alabang. May nasunog na malaking lote. Pero ok naman pagdating ng Edsa, wala nang trapik, as in dire diretso na. Pagdating sa Araneta, hindi kami nakapasok agad kasi mahigpit ang security. Kailangan munang ma check kung nasa list ng staff at guests ang name mo at ng mga kasama mo. Pagpasok namin ng dressing room, si Jon Avila agad ang nakita namin at pati na din si Jhong Hilario. Grabe ang babait nila. Mga down to earth na tao. Jon is very tahimik , gwapo and conservative. Jhong is very mabango and super chika. Andun din si Kean Cipriano, na isa pang super gwapo talaga! Maya-maya ng konti dumating din sila Jaya at Pops Fernandez. Sa rehearsal, nagkatabi pa kami ni Ms.Jaya sa upuan ang nagkwentuhan ng slight. Ayoko namang mag feeling close, kasi alam kong pagod siya. Pero super chika pa din si Jaya. Ang sarap ng pakiramdam, kasi idol ko talaga siya. Nung mga panahong stand up comedian ako, ginagaya ko siya. Isa siya sa mga dahilan kung bakit ako kumakanta. Sinabi ko sa kanya na idol ko siya at ginagaya ko siya. Nagrehearse siya ng spot niya at talaga namang nakanganga ako habang kumakanta siya. Maya maya ng konti dumating si Kuya Kim sa loob ng dressing room. May hatid na hapiness si Kuya Kim. Isa pang down to earth na tao. Ang saya kasama ni Kuya Kim. Sa mga nangyayaring ito sa buhay ko, kung ito ay isang panaginip, pwede, pakigising ako!

Martes, Mayo 11, 2010

election fever

Nakakaloka ang election kahapon. Excited ang lahat. Curious sa kung paano ba gamitiin ang PCOS Machine, at kaninong pangalan kaya ang iitiman ang bilog na hugis itlog. 11:30 am, nakisabay ako sa kapitbahay namin pumunta sa Voting Precinct. At nakaboto ako ng 1:15 pmm isang oras ako nakapila, walang vip treatment, na hindi ko din naman hinihingi, kaya sorry sa ibang tao na nagsasabing pa star daw ako. In fairness sa akin, nakipagkwentuhan pa ako sa mga old friends ko and even sa mga taong hindi ko kakilala ay chika to the max ako.



Nakakapanibago kasi eto ang pinakamainit na eleksiyon na napuntahan ko. Literal! Mainit talaga! Parang pugon!



I remember the last 2 elections na naganap, hindi ganito kainit, summer man, pero hindi ganito kadusa, as in, nagka rashes ako, sa leeg, sa likod, at sa braso, bungang araw talaga at nasunog ang mukha ko, as in, sunog, daig ko pa ang nag swimming sa beach.



Whew! Dusa! Grabe! Pero super proud ako, kasi naging part ako ng very first automated elections sa ating bansa.

Hindi man nanalo karamihan sa mga ibinoto ko, at least na i voice out ko ang gusto ko.



Isa lang ang napansin ko, bakit hindi ko kakilala ang karamihan sa mga pangalang nabasa ko for local positions sa balota? At bakit sila pa din ang ibang pangalan na nakalagay doon? Ano nga ba ang nagawa nila? Bakit ko sila ibinoto? Bakit hindi ko na lang ni left blank ang iba?

Taga dito naman ako sa Biñan, pero bakit hindi ko sila madalas makita? Ah, oo nga pala! Ang iba nakikita ko sa mga patay at parties. Pero minsan lang.

Sayang kasi di ba?

Walang choice?

Problema ko yan! Siguro hindi ko inalam kung sinu-sino nga ba ang mga iboboto ko.



Siguro, tanga lang ako at hindi ko alam kung ano ang nagawa nila sa bayang ito.

O baka naman siguro, tulog ako kapag umiikot sila para mangampanya sa lugar namin.



Puyat kasi ako, sa kasagsagan ng campaign, nasa Batangas ako, para mangampanya para sa isang kandidato doon.



Wala naman ako nakuhang raket sa Biñan nung campaign. Hulaan ko kung bakit?



1. Mahal kasi ang tf ko?

2. Hindi kasi ako kilala. ng mga tao sa Biñan?

3. May nag OPM sa akin na kukuhanin ako pero nawala na nung kampanya na?

4. Ang nag OPM sa akin ang mismong dumaot sa akin para hindi na ako kuhanin para mangampanya?



Bitter? Hinde ha! Kasi may raket naman ako.

Hahahahaha! Nakakaloka talaga! Kaya laking pasasalamat ko sa mga taong nagbigay sa akin ng raket, namely, Kuya Dong and Reyn... Naranasan ko na kung paano lumagare ng raket. Naachieve ko na ang pagiging busy. Hahaha! Nakakatawa pero totoo... Kaya eto, balik sa normal na buhay. Pahinga, guesting once in a while. Raket pag meron, audition pag meron... Ganyan lang naman ang buhay. Work hard, then save. Enjoy life... Thank God for all the blessings...